Mini vic.gov.au

This is a low bandwidth version of vic.gov.au. Contents may not be up to date. © Copyright State Government of Victoria

Mga mensahe ng kaligtasan sa tubig sa Filipino. Water safety messages in Filipino.

Iwasan ang paglangoy na nag-iisa

Kalimitang lumalabis tayo ng palagay sa mga kakayahan nating lumangoy, lalo na kung matagal-tagal na tayong hindi nakatikim lumangoy. Iwasang malagay ang iyong sarili sa mga mapanganib na sitwayon sa pamamagitan ng huwag kailanman mag-isang lumangoy.

Ang mga aksidente ay di-inaasahang nangyayari, katulad ng mga pagpulikat, pagkapagod o biglaang mga problema sa sakit. Kung walang ibang taong nasa malapit para makatulong o tumawag ng tulong, ang sitwasyon ay dagliang nagiging masama.

Kapag lumalangoy na may kasama, sa mga kasong pang-emerhensya, ang tsansang malaman at magresponde sa mga ganyang nangyayari ay may malaking kabuluhan.

Alamin ang mga kalagayan ng panahon

Sa Victoria, ang lagay ng panahon ay madaling magbago at hindi inaasahan. Kung plano mong lumangoy o maging malapit sa dagat, matyagan ang takbo ng panahon bago lumusong at habang naroroon.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.bom.gov.au/(opens in a new window)

Matyagan ang:

Maging handa na baguhin ang iyong mga plano kapag nasa dagat na at nalaman mong ang kalagayan ay hindi na nababagay para sa aktibidad na nakaplano mo. Hindi sulit na sumuong sa panganib.

Ang alak ay nakakasira sa kakayahan ng paglangoy at pagpapasya

Iba-iba ang epekto ng alak sa lahat ng tao. Ibig sabihin nito na para sa lahat ay walang masasabing ligtas ang anumang dami sa pag-inom ng alak. Kahit katiting na dami ng alak ay nakakaapekto sa pag-uugali at abilidad, nagpapalaki sa panganib ng pagkalunod.

Ang alcohol ay nagpapalaki sa panganib ng pagkalunod, dahil ito ay:

Palaging lumangoy sa pagitan ng mga pula at dilaw na watawat

Sa Australya, nagtutukoy ang pula at dilaw na watawat na ang lugar ay pinapatrulya/pinapangasiwaan ng mga tagasagip (lifesaver at lifeguard), na mga nakasuot ng unipormeng pula at dilaw. Bawa’t araw, ang mga lifesaver at lifeguard ay humahanap ng pinaka-ligtas na lugar na malalanguyan sa baybay, upang maiwasan ang mga lugar na mapanganib na mayroong katulad ng mga rip current at mga batuhan. Ang paglangoy sa pagitan ng pula at dilaw na watawat ang siyang pinakaligtas na lugar sa paglalanguyan. Hindi napapatrulyahan ang lahat ng mga baybay-dagat. Lumangoy lamang sa mga baybay na may pula at dilaw ng mga watawat. Tandaan, kung hindi ka nakikita ng lifesaver o lifeguard, hindi ka nila matutulungan.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://lsv.com.au/life-saving-services/

Laging magsuot ng life jacket

Alam mo ba na kung ikaw ay nasa anumang sasakyang-sagwan (paddlecraft), at sa mga karamihang sitwasyon kung nasa mga sasakyang pandagat na de motor (powered), ikaw at ang mga pasahero mo ay kailangang magsuot ng life jacket sa lahat ng oras sa Victoria. Kung malaglag ka man sa dagat, palulutangin ka ng life jacket habang naghihintay sa pagdating ng tagasagip. At palaging magdala ng telepono o radyo sa katawan, upang makapagtala ng alarma kung masuong ka sa problema.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://safetransport.vic.gov.au/on-the-water/wear-a-lifejacket/

Safety & emergencies

Updated 28 November 2024



About the VIC Government

Grants and programs

Jobs and careers

Arts, culture and heritage

Business and the workplace

Communities

Education and training

Environment, water and energy

Finance and economy

Health and social support

Housing and property

Law and justice

Safety and emergencies

Science and technology

Sport and recreation

Traffic and transport

Working in the Victorian Government