Mini vic.gov.au

This is a low bandwidth version of vic.gov.au. Contents may not be up to date. © Copyright State Government of Victoria

Kinder Kits - Filipino

Simula 2025, bawat batang naka-enrol sa isang pinondohan na programang Three-Year-Old Kindergarten ay marapat makatanggap ng Kinder Kit.

Gabay para sa mga Pamilya

Tungkol sa Iyong Kinder Kit

Ang pagsali ng iyong anak sa paglalaro ay isang mahusay na paraan upang suportahan ang kanyang pag-aaral at pag-unlad. Ang mga magulang, tagapag-alaga at pamilya ang pinakamahalagang bahagi ng paglalakbay na ito.

Ang Kinder Kits ay puno ng mga libro, mga laruang pang-edukasyon at mga aktibidad na ginawa para sa iyong anak at pamilya upang kasiyahan sa bahay.

Kasama sa bawat Kinder Kit ang mga bagay na nilikha para talaga sa mga tatlong taong gulang.

Illustration of three children playing. One is reading a book, one is colouring in, one is holding animal finger puppets.

Victorian Early Years Learning and Development Framework

Sinusuportahan ng mga guro at tagapagturo ng maagang pagkabata (early childhood) ang iyong anak upang lumago at matuto.

Ginagamit ng mga programa sa kindergarten ang Victorian Early Years Learning and Development Framework (VEYLDF) upang gabayan ang pag-aaral at pag-unlad ng mga bata.

Lahat ng nasa iyong Kinder Kit ay kumokonekta sa 1 o mahigit pang mga resulta sa VEYLDF.

Backpack

Ang mga Kinder Kit backpack ay maaaring gamitin araw-araw para magdala ng mga bagay-bagay at maglaro.

Maaaring mag-drowing ang iyong anak sa cardboard tag sa likod, para malaman niya kung aling backpack ang kanya.

Buksan ang backpack at idikit ang mga Velcro tab upang gamitin ang felt surface para sa mapanlikhang laro.

Pagbasa

Ang pagbabasa ay isang mahusay na paraan upang gumugol ng oras na magkakasama bilang isang pamilya. Isa ito sa pinakamahalagang paraan para suportahan ang pag-unlad ng pagbasa at pagsulat.

Ang pagkakaroon ng regular na oras ng pagkukuwento sa iyong anak ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng kanyang imahinasyon at bokabularyo.

Pagdodrowing at paggawa ng marka

Ang pagdo-drowing at paggawa ng marka ay nagbibigay-daan sa mga bata na ipahayag ang kanilang sarili nang malikhain at magkaroon ng kumpiyansa. Sa pamamagitan ng pag-eksperimento gamit ang mga krayola sa papel, ang mga bata ay:

Mga malikhaing aktibidad

Ang malikhaing dula ay nagpapasigla sa lahat ng 5 uri ng pandama ng iyong anak – paningin, pang-amoy, pandinig, pandama at panlasa. Ito ay isang masayang paraan upang galugarin, tuklasin at alamin ang tungkol sa mundo sa iyong paligid.

Paglalaro sa labas

Ang pinangangasiwaang paglalaro sa labas ay isang malaking bahagi ng paglaki, pag-unlad at kagalingan ng iyong anak.

Ang mga bata ay maaaring:

Dramatikong paglalaro

Ang dramatikong paglalaro ay naghihikayat sa mga bata na isadula ang mga likhang-isip na kuwento at gampanan ang mga papel ng ibang mga tauhan.

Gumagamit ang mga bata ng dramatikong paglalaro upang magpraktis ng mga mahahalagang kasanayan sa wika at pakikisalamuha, kabilang ang:

Mga laro

Ang paglalaro kasama ang pamilya at mga kaibigan ay isang magaling na paraan upang makabuo ang iyong anak ng mga kasanayang panlipunan.

Ang mga laro ay makakatulong sa mga bata na matuto ng mga kasanayan sa matematika, wika at paglutas ng problema.

Pagpapatatag ng komunidad

Ang paglalaro ang paraan kung paano natutuklasan at natututo ang mga bata tungkol sa kanilang sarili at sa mundo sa kanilang paligid. Para sa mga bata, magkasabay ang paglalaro at pag-aaral. Ang mga bagay sa iyong Kinder Kit ay sumusuporta sa iyo na makipag-usap tungkol sa pagkakaiba-iba at mga iba’t ibang kultura.

Paggalang sa identidad

Ang paghikayat sa mga bata na pag-aralan ang tungkol sa lahat ng mga kultura ay bubuo ng pag-unawa, pagtanggap at pagpapahalaga. Ang mga kultura ng Aborihinal at Torres Strait Islander, at ang mga kultura ng Koorie dito sa Victoria, ay buhay at umuunlad sa ngayon. Buong karangalan naming ipinagdiriwang sila bilang mga may-akda at artist sa Kits.

Narito ang ilang mga aktibidad upang matulungan ang iyong anak na matuto nang higit pa tungkol sa mga tradisyon at kultura ng Koorie:

Mga Aklat sa Auslan

Auslan ang sign language na ginagamit sa Victoria’s Early Childhood Language Program. Ang programang ito ay magagamit sa ilang Kindergarten.

Maraming benepisyo para sa mga bata ang pag-aaral ng ibang wika sa murang edad, kabilang ang:

Marami sa mga aklat na kasama sa Kinder Kits ay mayroong mga pagsasalin sa Auslan.

Kaligtasan at kagalingan ng bata at karagdagang suporta

Walang mas mahalaga pa kaysa sa kaligtasan at kagalingan ng mga bata. Tanungin ang iyong serbisyo kung paano nila pinapanatiling ligtas ang mga bata.

Lahat ng mga bata ay natututo sa magkakaibang paraan at sa kanya-kanyang bilis. Makipag-usap sa inyong guro sa early childhood kung mayroon kang anumang mga alalahanin. Kung kailangan mo o ng iyong anak ng karagdagang suporta, makakakuha kayo ng tulong sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

Mga karera sa edukasyong Early Childhood

Pag-isipan ang pagsisimula ng isang karera sa lumalaking sektor ng kindergarten sa Victoria. Upang suportahan ka sa pagiging isang guro o tagapagturo sa early childhood, mayroong:

Illustration of two children sitting on the floor playing with blocks while two adults talk, speech bubble from one adult with text

Ibigay ang iyong Kinder Kit

Kapag natapos na ng iyong anak ang kanyang mga bagay-bagay sa Kinder Kit, mangyaring itapon ang mga ito nang responsable.

Kung ang mga bagay ay nasa mabuting kondisyon pa, pag-isipang i-donate ang mga ito sa isang charity. Tanungin ang iyong sarili kung ‘ibibigay ko ba ito sa isang kaibigan?’. Kung oo ang sagot, okey lang na i-donate ito sa charity.

Kung ang iyong mga bagay-bagay ay hindi angkop na i-donate, paki-recycle ang mga ito hangga’t maaari.

Ang wastong pagbabawas at pagtatapon ng basura ay nakakatulong sa pagkakaroon ng isang mas malinis, mas berdeng Victoria.

Education & training

Updated 13 February 2026



About the VIC Government

Grants and programs

Jobs and careers

Arts, culture and heritage

Business and the workplace

Communities

Education and training

Environment, water and energy

Finance and economy

Health and social support

Housing and property

Law and justice

Safety and emergencies

Science and technology

Sport and recreation

Traffic and transport

Working in the Victorian Government