Paano gumagana ang kinder (How kinder works) - Filipino
On this page
- Ano ang Pre-Prep
- Mga oras ng kindergarten
- Napatunayang mga resulta
- Paano nagtutulungan ang mga magulang at kinder na guro
- Ano ang nangyayari sa kinder
- Ang mga kinder ay bahagi ng ating multikultural na komunidad
- Mga uri ng programang kinder
Ang kinder, na tinutukoy din bilang ‘kindergarten’ o ’early childhood education’, ay isang mahalagang bahagi ng pag-unlad at pag-aaral ng iyong anak. Ang pagsisimula ng de-kalidad na programang kinder sa edad na 3 taong gulang ay makakatulong sa kanila na magkaroon ng mga kasanayan para maging mahusay sila sa buhay at sa paaralan.
Maaari mong ilagay ang petsa ng kapanganakan ng iyong anak sa Calculator ng Panimulang Edad para malaman kung anong taon sila magsisimula ng Tatlo- at Apat-na-Taong-Gulang na Kinder.
Ano ang Pre-Prep
Simula noong 2025, ang four-Year-Old Kindergarten ay naging Pre-Prep.
Mula 2026, mga 16 hanggang 25 oras ng Pre-Prep ang available bawat linggo para sa mga batang:
- mula sa background na refugee o naghahanap ng asylum
- kumikilala bilang Aboriginal at/o Torres Strait Islander
- ang pamilya ay may ugnayan na sa Child Protection.
Ang Pre-Prep ay patuloy na nakabatay sa paglalaro at pangangasiwaan ng mga kwalipikadong guro sa maagang pagkabata (early childhood).
Ang mga karagdagang oras ay magbibigay sa mga bata ng mas maraming oras na matuto sa pamamagitan ng paglalaro at bumuo ng kanilang mga kasanayan at kumpiyansa.
Ang Pre-Prep ay ibinibigay sa pamamagitan ng mga standalone (sessional) na kindergarten at mga long day care centre.
Ang Pre-Prep, Four-Year-Old Kindergarten at Three-Year-Old Kinder ay bahagi ng Free Kinder. Alamin ang higit pa tungkol sa Free Kinder.
Mga oras ng kindergarten
Ang pinondohang mga programa ng Three-Year-Old Kindergarten ay available sa 5 hanggang 15 oras kada linggo. Ang pinondohang mga programa ng Four-Year-Old Kindergarten ay available sa 15 oras kada linggo.
Ang Four-Year-Old Kinder ay magiging Pre-Prep sa Victoria, na may mga oras na unti-unting nadaragdagan mula 15 hanggang 30 bawat linggo.
Napatunayang mga resulta
Ang mga batang pumapasok sa isang kinder na programa ay nagsisimulang bumuo ng mga kasanayan tulad ng pagbilang at pagkilala sa mga numero at titik, at paglutas ng mga problema. Ang iyong anak ay magkakaroon ng kumpiyansa at magiging independiyente sa kinder at matututo ng mga kasanayang panlipunan at pandamdamin. Makikisalimuha siya at magkakaroon ng mga bagong kaibigan.
Kapag ang iyong anak ay tuloy-tuloy na pumapasok sa kinder, makakaranas siya ng mas malalim na koneksyon sa kaniyang mga kasama sa kinder at sa tagapagturo. Itong pagiging kabilang ay nakakatulong sa iyong anak na makaramdam na pinahahalagahan, may seguridad at kumpiyansa na mag-explore at masiyahan sa pag-aaral.
Ang kakayahang mahulaan at ang pagkaroon ng mga routine sa kinder ay nagbibigay ng istruktura na makakatulong sa iyong anak na maging mas kumpiyansa sa pag-aaral na kasama sa grupo. Ang regular na pagpasok sa kinder ay makakatulong sa iyong anak na maayos na lumipat sa paaralan. Ito ay dahil ang mga batang tuloy-tuloy na pumapasok sa kinder ay mas malamang na mapanatili ang kanilang antas ng pakikilahok sa sandaling magsimula sila sa paaralan.
Ipinakikita ng pananaliksik na sa edad na 16 na taon, ang mga estudyanteng nag-aral nang 2 o 3 taon sa kinder program bago nagsimula sa paaralan ay may mas mataas na marka sa Ingles at matematika kaysa sa mga hindi nag-aral sa kinder.
Paano nagtutulungan ang mga magulang at kinder na guro
Ang kinder ay pinakamahusay na gumagana bilang pagtutuwang ng mga magulang/tagapag alaga, pamilya at guro. Bilang magulang/tagapag alaga, ikaw ang pinakamahalagang bahagi ng pag-unlad ng iyong anak. Itinuturo mo sa kanila kung ano ang tama at mali, ang inyong wika, kultura at mga pinahahalagahan gaya ng kabaitan at paggalang. Kakausapin ka ng mga guro kung ano ang nangyayari sa kinder at mga paraan upang matulungan ang iyong anak na magpatuloy matuto sa bahay. Gusto nilang malaman ang tungkol sa mga interes ng iyong anak at kung paano niya gustong matuto.
Maaari mong hilingin sa iyong kinder na guro na mag-organisa ng isang interpreter anumang oras. Ito ay maaaring sa lugar mismo (on-site) o sa pamamagitan ng telepono o video. Walang kasangkot na gastos para sa mga pamilya upang ma-access ang serbisyong ito.
Kung nais mong makipag-usap sa iyong kinder sa iyong gustong wika, maaari mong gamitin ang libreng inbound na serbisyo sa telepono na may interpreter para sa mga magulang at tagapag-alaga. Ang serbisyong ito ay kasalukuyang inaalok sa 30 wika.
Sasabihin mo sa interpreter ang pangalan at numero ng telepono ng kinder at ang interpreter ay mananatili sa telepono at magsasalinwika hanggang sa matapos ka. Sundin ang mga hakbang sa Gabay para sa mga magulang at tagapag-alaga.
Ano ang nangyayari sa kinder
Hinihikayat ng mga guro ang mga bata na matuto sa pamamagitan ng paglalaro. Maaaring kabilang sa mga aktibidad ang pagguhit, pagkanta, pag-akyat, paghuhukay at pagtakbo sa labas, paglalaro ng mga laruan at pagbasa ng mga libro. Hinihikayat ng paglalaro ang mga bata na gamitin ang kanilang imahinasyon at gumawa ng mga pagtuklas, habang nakikipagtulungan sa iba sa pamamagitan ng pagbabahagi at pagpapalitan. Matututo ang mga bata tungkol sa mga tunog, salita at wika, kabilang ang pagsasalita at pag-unawa ng Ingles.
Ang mga kinder ay bahagi ng ating multikultural na komunidad
Ang mga programa sa kinder ay tumatanggap sa mga magulang mula sa lahat ng pinagmulan upang maging bahagi ng kanilang mga komunidad. Ito ay isang lugar kung saan ang mga magulang ay maaaring magkita-kita at magbahagi ng mga kuwento at matuto mula sa isa’t isa.
Gustong malaman ng mga guro ang tungkol sa iyong anak at sa iyong kultura. Nakakatulong ito sa kanila na maghanda ng mga programang makabuluhan para sa iyong anak, kabilang ang mga aktibidad batay sa mga araw at kaganapan sa kultura at ipagdiwang ang pagkakaiba-iba sa Victoria.
Isinasali ng mga guro ang lahat sa mga aktibidad, kaya ang mga batang hindi nagsasalita ng Ingles ay may parehong pagkakataon na maglaro at matuto tulad ng iba. Ang ilang mga kinder na programa ay may mga bilingual na tagapagturo na tumutulong sa mga bata na may kaunti o walang kakayahang magsalita ng Ingles. Tinuturuan din ang mga bata na makibagay at tanggapin ang iba at igalang ang mga pagkakaiba sa kultura.
Mga uri ng programang kinder
Maaaring dumalo ang mga bata sa programang Three-Year-Old kindergarten sa isang long day care center (na tinatawag ding childcare) o sa isang standalone (na tinatawag ding sessional) na serbisyong pang-kinder. Karaniwan, ang mga serbisyong ito ay nag-aalok din ng proramang Four-Year-Old Kindergarten.
Ang long day care center ay maaaring mag-alok ng buong araw ng edukasyon at pangangalaga, kabilang ang isang programa ng kinder. Ang programa ng kinder na pinamumunuan ng guro ay maaaring isama sa karagdagang mga oras ng edukasyon at pangangalaga.
Sa isang standalone service, ang isang programa ng kinder ay patatakbuhin lamang sa partikular na mga araw at sa mga tiyak na oras. Ang isang standalone na serbisyo ay karaniwang pinapatakbo sa loob ng 40 linggo sa isang taon sa panahon ng termino ng paaralan at may mga bakasyon kasabay ng mga paaralan. Ang mga araw at oras na ito ay itinakda ng serbisyong pang-kinder.
Updated 26 March 2026
About the VIC Government
- The Premier and ministers
- Find a Vic Gov department, agency or service
- Strategies and policies
- Inquiries and royal commissions
Grants and programs
Jobs and careers
Arts, culture and heritage
Business and the workplace
- Mentally Healthy Workplaces Framework
- Portable Long Service Authority
- Victoria’s racing industry
- Workforce Inspectorate Victoria
- Liquor licensing, sale and supply
Communities
- Children
- First Peoples - State Relations
- Finding records
- Gender equality & women’s leadership
- LGBTIQA+ equality
- Multicultural communities
- Seniors Online
- Veterans support and commemoration
- Volunteering in Victoria
- Youth Central
Education and training
- Victorian Early Childhood Regulatory Authority
- Early childhood education – information for professionals
- Kinder: Best Start, Best Life
- Education – information for parents
- Schools.Vic - information for schools
- Education grants, programs, awards and events
- PROTECT
- TAFE, training and universities sector
- TAFE Victoria
- Victorian Skills Authority
- Apprenticeships Victoria
- Learn Local
Environment, water and energy
Finance and economy
Health and social support
- Family violence reform
- NDIS Worker Screening Check
- NDIS and disability services and support in Victoria
- Patient Review Panel
- Transforming Trauma Victoria
Housing and property
Law and justice
- Adoption
- Births, deaths and marriages
- Honorary justices
- Machete ban
- Safeguarding Victorians against terrorism
- Stolen Generations Reparations Package
- Victims of Crime
- Victorian Racing Tribunal
Safety and emergencies
- Emergency Recovery Victoria
- Victorian Emergency Relief and Recovery Foundation
- Emergency Recovery Resource Portal
- How well do you know fire
- Fire Services Reform
- Water safety
- Marine Search and Rescue
Science and technology
- Data sharing and open data
- Data.vic - discover and access Vic Gov open data
- Developer.Vic - portal for API developers
- Go.vic URL shortener
- Vic Gov IT project dashboard
- Victoria’s free public wi-fi network
- Cyber security in the Victorian Government
Sport and recreation
Traffic and transport
- Cameras Save Lives
- Transport Fines
- Getting Around
- Transport Planning
- Transport Future
- Climate Change and transport
- Future Directions For Transport
- Transport projects
- Ports and Freight
Working in the Victorian Government
- Single Digital Presence home
- Accommodation and Library Services
- Executive employment in the Victorian public sector
- Budget, procurement and funding
- Careers in the Victorian Government
- Council and Regulator Toolkit
- Guidelines for working in government
- Join a government network
- Standards and guidelines
- VicFleet CarPool
- Victorian Government style guide