Estratehiya ng Victoria laban sa rasismo 2024–2029 (Victoria’s anti-racism strategy 2024-2029) - Filipino
Ang unang pambuong pamahalaang estratehiya ng Victoria laban sa rasismo ay isang 5-taon na plano upang matigil ang rasismo at diskriminasyon sa Victoria.
On this page
- Komisyon sa Pagkapantay-pantay na Oportunidad at Karapantang Pantao sa Victoria (Victorian Equal Opportunity and Human Rights Commission)
- Pulisya ng Victoria (Victoria Police)
Victoria’s anti-racism strategy in Filipino PDF 805.02 KB (opens in a new window)
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, maaari tayong bumuo ng mas makatarungan at mas ligtas na Victoria kung saan nararamdaman ng lahat na sila ay kasama.
Ano ang rasismo?
Ang rasismo ay isang uri ng diskriminasyon kung saan ang mga tao ay tinatrato nang hindi makatarungan dahil sa kanilang lahi o etnisidad. Maaaring kabilang dito ang pang-aabuso sa salita, pagbubukod, o hindi pagkakaroon ng parehong access o oportunidad na gaya ng iba.
Ang rasismo ay maaaring mangyari sa maraming paraan. Ang estratehiyang ito ay nakatuon sa pagtugon sa rasismo sa:
- komunidad
- mga organisasyon at institusyon
- mga batas, patakaran, at sistema.
Ang aming bisyon
Isang Victoria na walang rasismo at diskriminasyon, kung saan ang lahat ng mga taga-Victoria ay tumatamasa ng pantay na mga karapatan, kalayaan, at proteksyon, at umuunlad sa mga ligtas, maalaga, at masuportang komunidad.
Ang estratehiya ay may 4 na layunin para bawasan ang rasismo at diskriminasyon sa Victoria
- Layunin 1: Ang mga rasistang saloobin, pag-uugali, at paniniwala ay tinutukoy, hinahamon, at tinatanggihan.
- Layunin 2: Ang mga serbisyong pampamahalaan at mga lugar ng trabaho ay ligtas, naa-access, at hindi nagdidiskrimina.
- Layunin 3: Ang rasismo at diskriminasyon ay hindi na hadlang sa pakikilahok, pag-unlad, kaligtasan, at tagumpay sa lahat ng sektor.
- Layunin 4: Ang mga tao na dumaranas ng rasismo ay tumatanggap ng angkop at ligtas sa kulturang mga serbisyo at suporta.
Pagpapatupad ng bisyon
Ang estratehiya laban sa rasismo ay:
- maglunsad ng kampanya sa buong estado upang tumugon sa rasismo sa mga isport sa komunidad
- sumuporta sa mga aksyong pinamumunuan ng komunidad upang labanan ang rasismo sa lokal na antas
- palakasin ang mga proteksyon at batas laban sa mapanirang pananalita at pag-uugali
- pagbutihin ang paraan ng pagtugon ng mga organisasyong namamahala sa mga reklamo hinggil sa mga ulat sa rasismo
- bawasan ang rasismo at diskriminasyon sa pagpapatupad ng batas
- paunlarin kung paano pinipigilan at tinutugunan ng mga tagapag-empleyo at organisasyon ang rasismo
- sumuporta sa mga lokal na network na lumalaban sa rasismo para sa mga taong nakaranas ng rasismo.
Susukatin namin ang epekto ng estratehiya sa pagbawas ng rasismo at iuulat sa komunidad ang aming progreso.
Bakit natin kailangan ang estratehiyang ito
Tayo ay magkakaiba-iba
- 30% ng mga taga-Victoria ang ipinanganak sa ibang bansa
- 8% ng mga First Peoples ng Australya ay nakatira sa Victoria
- Ang mga taga-Victoria ay nagmula sa mahigit 300 iba’t ibang lahi, nagsasalita ng 290 na wika at diyalekto, at sumusunod sa halos 200 na iba’t ibang mga pananampalataya
Ang rasismo ay problema pa rin
- Noong 2022, 3 sa 5 First Peoples (60%) ang nag-ulat na dumaranas ng rasismo sa Australya
- Noong 2023, 1 sa 5 tao (18%) ang nag-ulat na dumaranas ng rasismo sa Australya.
- 3 sa 5 Australyano (63%) ay may negatibong pananaw sa isa o mahigit pang mga grupo ng migrante mula sa Asya, Africa, o Middle East o sa mga hindi Kristiyanong relihiyon
- 3 sa 5 Australyano (62%) ay tinuturing ang rasismo bilang isang ’napakalaki’ o ‘medyo malaking’ problema
Ang kakulangan sa impormasyon at tiwala ng komunidad sa mga serbisyo ay maaaring mangahulugan ng hindi pag-uulat ng lahat ng rasismo.
Kanino kami nakipag-usap
Nakakuha kami ng mga pahayag mula sa mahigit 670 na mga taga-Victoria mula sa mga First Peoples, mga komunidad na magkakaiba-ibang kultura at relihiyon. Kasama rito ang mga lider ng komunidad, mga eksperto, at mga manggagawang nasa frontline.
Pag-uulat ng rasismo sa Victoria
Hindi dapat palampasin ninuman ang rasismo. Kung ikaw ay dumaranas o nakasaksi ng rasismo o diskriminasyon sa Victoria, maaari mo itong isumbong.
Komisyon sa Pagkapantay-pantay na Oportunidad at Karapantang Pantao sa Victoria (Victorian Equal Opportunity and Human Rights Commission)
Tumawag sa 1300 292 153 sa mga araw ng trabaho mula 10:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon. Kung kailangan mo ng libreng serbisyo ng interpreter, tumawag sa 1300 152 494.
Email enquiries@veohrc.vic.gov.au
Gumawa ng di-pormal na ulat sa online.
Kontakin ang National Relay Service kung ikaw ay D/deaf, may kahinaan sa pandinig o may kanpansanan sa pagsasalita.
Pulisya ng Victoria (Victoria Police)
Sa emerhensiya, para isumbong ang krimen na nagaganap, o para sa agarang pagpunta ng pulis, tumawag sa Triple Zero (000).
Para sa hindi emerhensiya, tumawag sa Police Assistance Line sa 131 444 o tumawag sa 131 450 para sa libreng serbisyo ng interpreter.
Maaari kang magsumbong sa iyong lokal na himpilan ng pulisya o sa online.
Maaari kang magsumbong nang hindi nagpapakilala sa Crime Stoppers sa 1800 333 000.
Para sa karagdagang suporta at mga opsyon sa pagsusumbong, mangyaring bisitahin ang estratehiya laban sa rasismo (anti-racism strategy) ng Victoria.
Karagdagang impormasyon
Maaari mong mabasa ang buong estratehiya sa Ingles o ang buod na ito sa iba pang mga wika sa online.
Maaari mo ring tawagan ang Translating and Interpreting Service (TIS) sa 131 450 at ang Department of Premier and Cabinet sa 03 9651 5111 para sa karagdagang impormasyon.
Maaari kang mag-email sa Department of Premier and Cabinet sa antiracism.strategy@dpc.vic.gov.au
Updated 27 November 2024
About the VIC Government
- The Premier and ministers
- Find a Vic Gov department, agency or service
- Strategies and policies
- Inquiries and royal commissions
Grants and programs
Jobs and careers
Arts, culture and heritage
Business and the workplace
- Mentally Healthy Workplaces Framework
- Portable Long Service Authority
- Victoria’s racing industry
- Workforce Inspectorate Victoria
- Liquor licensing, sale and supply
Communities
- Children
- First Peoples - State Relations
- Finding records
- Gender equality & women’s leadership
- LGBTIQA+ equality
- Multicultural communities
- Seniors Online
- Veterans support and commemoration
- Volunteering in Victoria
- Youth Central
Education and training
- Victorian Early Childhood Regulatory Authority
- Early childhood education – information for professionals
- Kinder: Best Start, Best Life
- Education – information for parents
- Schools.Vic - information for schools
- Education grants, programs, awards and events
- PROTECT
- TAFE, training and universities sector
- TAFE Victoria
- Victorian Skills Authority
- Apprenticeships Victoria
- Learn Local
Environment, water and energy
Finance and economy
Health and social support
- Family violence reform
- NDIS Worker Screening Check
- NDIS and disability services and support in Victoria
- Patient Review Panel
- Transforming Trauma Victoria
Housing and property
Law and justice
- Adoption
- Births, deaths and marriages
- Honorary justices
- Machete ban
- Safeguarding Victorians against terrorism
- Stolen Generations Reparations Package
- Victims of Crime
- Victorian Racing Tribunal
Safety and emergencies
- Emergency Recovery Victoria
- Victorian Emergency Relief and Recovery Foundation
- Emergency Recovery Resource Portal
- How well do you know fire
- Fire Services Reform
- Water safety
- Marine Search and Rescue
Science and technology
- Data sharing and open data
- Data.vic - discover and access Vic Gov open data
- Developer.Vic - portal for API developers
- Go.vic URL shortener
- Vic Gov IT project dashboard
- Victoria’s free public wi-fi network
- Cyber security in the Victorian Government
Sport and recreation
Traffic and transport
- Cameras Save Lives
- Transport Fines
- Getting Around
- Transport Planning
- Transport Future
- Climate Change and transport
- Future Directions For Transport
- Transport projects
- Ports and Freight
Working in the Victorian Government
- Single Digital Presence home
- Accommodation and Library Services
- Executive employment in the Victorian public sector
- Budget, procurement and funding
- Careers in the Victorian Government
- Council and Regulator Toolkit
- Guidelines for working in government
- Join a government network
- Standards and guidelines
- VicFleet CarPool
- Victorian Government style guide