Impormasyong Free Kinder (About Free Kinder) - Filipino
On this page
- Pagtitipid para sa mga pamilya
- Pagiging marapat para sa Free Kinder
- Paano ang pag-access sa pondo ng Free Kinder
- Paano ilalapat ang fee offset sa mga babayarang ikaw mismo ang nagbayad
Available ang Free Kinder sa mga programang Three- and Four Year Old Kinder o Pre-Prep sa mga kalahok na serbisyo sa buong Victoria. Kabilang dito ang long day care at standalone (na tinatawag ding sessional) na mga serbisyong pang-kinder.
Pagtitipid para sa mga pamilya
Ang mga pamilyang may mga anak na naka-enroll sa isang kalahok na sessional kindergarten ay tatanggap ng libreng programa.
Ang mga pamilyang may mga anak na naka-enroll sa isang kalahok na long day care ay tatanggap ng taunang offset sa bayad.
Pagiging marapat para sa Free Kinder
Ang Free Kinder ay para sa lahat.
Ang mga pamilya ay hindi kailangang magkaroon ng Health Care Card o Pension Card, pagkamamamayan ng Australya, o patunay ng address upang maging marapat sa pag-access. Hindi mo rin kailangang maging marapat para sa Australian Government Child Care Subsidy (CCS) upang makatanggap ng Free Kinder.
Maaari ka lamang tumanggap ng Free Kinder sa isang serbisyong pang-kinder sa isang pagkakataon. Hihilingin sa iyo ng inyong serbisyong pang-kinder na pumirma sa isang liham, na tumutukoy sa serbisyo kung saan ka tatanggap ng Free Kinder. Kung ang iyong anak ay pumapasok sa mahigit sa isang serbisyong pang-kinder, dapat mong ipaalam sa bawat serbisyo kung saan mo nais um-access ng Free Kinder.
Paano ang pag-access sa pondo ng Free Kinder
Ang mga serbisyong pang-kinder na nag aalok ng Free Kinder ay direktang tumatanggap ng pondo mula sa Pamahalaang Victoria. Ibig sabihin, hindi na kailangang humiling ang mga pamilya ng kanilang matitipid, sa halip ay ibabawas ito sa inyong mga babayaran. Sa sessional kinder, ang iyong programa ay libre.
Makikita ng mga pamilyang gumagamit ng long day care kinder na programa ang mga matitipid mula sa Free Kinder sa bawat pagsingil na may ‘Victorian Government Free Kinder offset’ na malinaw na nakasaad sa mga invoice.
Paano ilalapat ang fee offset sa mga babayarang ikaw mismo ang nagbayad
Ang Free Kinder offset ay regular na ilalapat sa iyong mga babayaran sa buong taon (halimbawa, lingguhan o kada dalawang linggo). Makikita mo nang malinaw ang halaga sa iyong invoice bilang ‘Victorian Government Free Kinder offset’.
Para sa impormasyon kung paano ilalapat ang offset sa iyong mga babayaran at kung paano ito ipinapakita sa iyong invoice, mangyaring makipag-usap nang direkta sa iyong serbisyong pang-kinder. Kung ang iyong anak ay uma-access ng mahigit sa 15 oras kada linggo, ang mga karagdagang oras na ito ay hindi sakop ng offset.
Kung ikaw ay marapat para sa Commonwealth Childcare Subsidy ito muna ang ilalapat. Ibig sabihin, kailangan mo lang bayaran ang natitirang halaga makaraang ilapat ang CCS at Free Kinder offset.
Halimbawa:
- Ang isang batang 4 na taong gulang ay dumadalo sa isang long day care na may kinder program 3 araw sa isang linggo.
- Sumisingil ang serbisyo ng $360 para sa 3 araw sa isang linggo (kasama ang mga oras ng kinder at mga oras ng karagdagang pangangalaga).
- Tatanggap ang pamilya ng CCS na $252 kada linggo.
- Simula 2026, ang serbisyo ay naglalapat ng $2,101 Free Kinder offset kada linggo sa loob ng 40 linggo (humigit-kumulang $52 bawat linggo).
- Ang pamilya ay nagbabayad ng humigit-kumulang $55 bawat linggo matapos ibawas ang CCS at ang Free Kinder offset.
Mangyaring tandaan. Halimbawa lamang ito at ang mga gastos ay mag-iiba-iba depende sa mga indibidwal na sitwasyon at ang taunang halaga ng Free Kinder offset.
Updated 26 March 2026
About the VIC Government
- The Premier and ministers
- Find a Vic Gov department, agency or service
- Strategies and policies
- Inquiries and royal commissions
Grants and programs
Jobs and careers
Arts, culture and heritage
Business and the workplace
- Mentally Healthy Workplaces Framework
- Portable Long Service Authority
- Victoria’s racing industry
- Workforce Inspectorate Victoria
- Liquor licensing, sale and supply
Communities
- Children
- First Peoples - State Relations
- Finding records
- Gender equality & women’s leadership
- LGBTIQA+ equality
- Multicultural communities
- Seniors Online
- Veterans support and commemoration
- Volunteering in Victoria
- Youth Central
Education and training
- Victorian Early Childhood Regulatory Authority
- Early childhood education – information for professionals
- Kinder: Best Start, Best Life
- Education – information for parents
- Schools.Vic - information for schools
- Education grants, programs, awards and events
- PROTECT
- TAFE, training and universities sector
- TAFE Victoria
- Victorian Skills Authority
- Apprenticeships Victoria
- Learn Local
Environment, water and energy
Finance and economy
Health and social support
- Family violence reform
- NDIS Worker Screening Check
- NDIS and disability services and support in Victoria
- Patient Review Panel
- Transforming Trauma Victoria
Housing and property
Law and justice
- Adoption
- Births, deaths and marriages
- Honorary justices
- Machete ban
- Safeguarding Victorians against terrorism
- Stolen Generations Reparations Package
- Victims of Crime
- Victorian Racing Tribunal
Safety and emergencies
- Emergency Recovery Victoria
- Victorian Emergency Relief and Recovery Foundation
- Emergency Recovery Resource Portal
- How well do you know fire
- Fire Services Reform
- Water safety
- Marine Search and Rescue
Science and technology
- Data sharing and open data
- Data.vic - discover and access Vic Gov open data
- Developer.Vic - portal for API developers
- Go.vic URL shortener
- Vic Gov IT project dashboard
- Victoria’s free public wi-fi network
- Cyber security in the Victorian Government
Sport and recreation
Traffic and transport
- Cameras Save Lives
- Transport Fines
- Getting Around
- Transport Planning
- Transport Future
- Climate Change and transport
- Future Directions For Transport
- Transport projects
- Ports and Freight
Working in the Victorian Government
- Single Digital Presence home
- Accommodation and Library Services
- Executive employment in the Victorian public sector
- Budget, procurement and funding
- Careers in the Victorian Government
- Council and Regulator Toolkit
- Guidelines for working in government
- Join a government network
- Standards and guidelines
- VicFleet CarPool
- Victorian Government style guide